Hindi madali ang trabaho ng isang call center agent. Madalas ay gabi ang pasok lalo na yaong mga naka-assign sa graveyard shift. Kasama din sa hirap ng buhay call center, lalo na yung mga Kano ang customer na masigawan, o minsan pa ay mamura ng mga nasabing callers.
Si Bernice ay dalawang taon nang nagtratrabaho sa isang magandang kumpanya sa Alabang. Isa syang call center agent para sa isang cellphone company sa tate. Sa loob ng dalawang taon na iyon, mapalad si Bernice na pumapasok syang mulang alas sais ng umaga hanggang alas tres ng hapon. Hindi nya nararanasan ang puyat na pilit nilalabanan ng mas maraming mga empleyadong gaya nya. Subali’t tila mailap ata ang swerte sa kanya nitong mga huling araw, at hindi nya nagawang piliin ang pang-umagang shift sapagkat may nauna na dito, at lahat ng kanyang pagpipilian ay pawang mga panggabing oras na lamang. Dahil wala na din naming magawa, pinili na ni Bernice na pumasok ng mula 10pm hanggang 7am. Ika nya, “Mabuti nang maagang umalis, noh, kesa naman bigla na lang akong mahablutan ng bag sa kalsada o baka meron pang mas masamang mangyari, diba?” “Naku mareh, sinabi mo pa. Nabalitaan mo ba si Jessica? Yung escalation rep natin… ayun, pauwi na lang nung isang araw, mga alas tres ata. Naholdap yung jeep, tangay lahat pati buong sweldo nya." pag sang-ayon naman ni Marie, matalik na kaibigan ni Bernice.
Isang gabi, habang naglalakad sya papunta sa opisina, may nakasalubong syang dalawang lalaki at isang babae. Hindi nya naaninag ang mga mukha nito hanggang sa makalapit sya. Si Marie pala. “O, san ka pupunta? Anung oras ba ang shift mo? Magaalas diyes na ah?” wika ni Bernice na nag-aalala. Tumugon naman si Marie. “Jan lang may kikitain sa kanto.” “O sige, bilisan mo te, alam mo naman si TL ayaw nun ng may late, ok?” Tumango si Marie at nagpatuloy sa paglalakad. Pagpasok ni Bernice sa building, dali dali syang tumakbo patungo sa elevator B na paakyat na. Laking gulat nya nang biglang may babaeng sumingit at inunahan sya sa huling pwesto. Kumaway ito at nagsabing, “Mars, pasensya na, may nakalimutan ako. Sorry talaga!” Si Marie ulit. Pawang hindi nya kilala ang mga nakasakay na kasama ng kaibigan. Isang bagay na imposibleng mangyari sapagkat ang elevator na iyon ay sa mga floor lamang ng account nila humihimpil. Nangiti na lang sya at naghintay ng susunod na elevator.

Paglapag sa 14th floor, nakasalubong niyang muli ang kaibigan bitbit ang coffee mug na babasagin. “Mars, favor naman, please? Pwede ba pag dipa ako nakabalik agad, pakisabi naman kay TL John male-late ako. Pero I’ll be there ASAP.” Pakiusap ni Marie. Tumugon naman si Bernice at tumawa “Hay nako mars, anu pa bang bago? Sige go! Basta bilisan mo ha?” muli ay tumango lamang si Marie at sumakay, hindi sa bukas nang elevator kundi sa elevator B. Hindi nya napansin na may dalawang lalaking nakapasok na pala sa elevator sa sandaling nagkausap sila ng kaibigan. Makalipas ang dalawang oras ng pagtanggap ng mga tawag, napaisip si Bernice na tila may bagay syang dapat gawin na hindi nya nagawa. Lumabas sya upang manigarilyo sa baba. Muli ay nakasalubong na naman nya si Marie papalabas ng parehong elevator at saka lamang nya naalala na hindi nya nasabihan ang Bisor nito tungkol sa kanyang pinapasabi. “Naku! Mars, nakalimutan ko sabihin kay TL na malelate ka! Takbo ka muna sa kanya para malaman nyang nandito ka na!” ngumiti lamang si Marie sa kanya at nagsalita nang malumanay, “Ok lang.” Dumiretso na syang pumasok sa loob ng call floor at hindi na lumingon. Pagsara ng pinto, ay napansin nyang kasunod na naman ni Marie ang isa sa dalawang lalaking hindi nya mamukhaan.
Pagdating sa baba, nakita ni Bernice ang bisor ng kaibigan kaya’t nilapitan nya ito. “TL, nakalimutan kong sabihin sa inyo na baka daw ma-late si Marie, tumatakbong bitbit yung mug nya. May kikitain daw sa kanto.” Tinitigan sya ng mataimtim ng bisor at natagalang umimik. Maya maya pa ay ngumiti ito, at inakbayan si Bernice. “ikaw, kahit kelan you try to uplift people’s spirits. I know Hindi madaling tanggapin ang balita kapag malapit sa iyo ang nasasawi, Bernice. It’s a good thing na lang na sagot na ng kumpanya yung pagpapaaral sa kapatid ni Marie na gragraduate na next year. She’s an asset to the account and to all of us, her friends. Akyat na muna ‘ko, magmomonitor pa ako ng mga calls ng team.” Nanlamig bigla si Bernice at hindi na nakausal ng salita sa sinabi ng bisor. Tumindig ang kanyang balahibo at naramdaman nyang nanginginig ang kanyang mga tuhod. “Shit! Shit! Shit! Anu ba yun? Niloloko ba ko ni TL? Loko yun ah!”
Madali syang lumakad papasok ng building at inabangan muli ang pagbaba ng elevator B. Pagtingin nya sa indicator, wala itong ilaw at pawang hinarangan ito ng dilaw na do not enter na mga banner. “Mam Bernice, sa elevator C o D na lang po muna kayo sumakay, kasi di pa po naaayos yang elevator na yan. Sabayan ko na po kayo.” Mahinahon na paalala sa kanya ng gwardya. “What do you mean? Nagamit ko pa to kanina, nasira na agad? Weird ha? Tugon ni Bernice, sabay pindot ng up button sa elevator C. “Mam, imposible po yun.” Pangiting wika ng guard. “Nadiskaril po yan kaninang umaga, sakay po yung kaibigan nyo…si miss Marie ba yun? Saka po si Sir John, isang guard at isa pa pong babae sa account nyo.” Napatitig si Bernice sa gwardiya, bumalik ang pangingilabot sa kanyang katawan at ang pangangatog ng kanyang mga tuhod. Nagpatuloy ang gwardiya sa pagsasalita, “Sabi ng mga datihang guard, ilang beses na daw bumigay yang elevator B dati, nung may 13th floor pa tong building. Pero simula nung ginawang 14th floor na, ngayon na lang ulit nangyari. Grabe, nakakatakot na sumakay jan kahit magawa pa nila.” Hindi na makapagsalita sa takot si Bernice at lumakad na lamang papalapit sa bumubukas na elevator C. "Mam, baba na lang po kayo sa 12th, tapos hagdanin nyo na lang papunta sa floor nyo at magroronda naman po ako." “O sige k-k-kuya, s-s-salamat” nagawang magsalita ni Bernice. Pagsara ng elevator, may tinig ng babaeng kilala ni Bernice na nakiusap sa kanya. “14th please.” Hindi nya na kinailangan pang lumingon. Habang umaakyat ang elevator C, nawala ang indicator nito pagsapit sa 12th at hinarangan na ito ng janitor ng mga do not enter banner.
WAKAS
by: DK Bautista